Hello! Ngayon na lang ulit ako magpopost after ko magdelete ng mga naging updates ko. And still, it would be about you. It's been almost three months simula nang iwan mo ko, pero lahat ng pain, nandito pa din. Sobra yung galit na naramdaman ko kaya nagawa kong magdelete ng lahat ng about saten. Akala ko pag ginawa ko yun, mawawala yung sakit. Akala ko pag nagalit na lang ako sayo, mawawala yung natitirang pagmamahal na meron saken. Pero eto ako, wasak pa din, higit pa sa inaakala ko. Sobra akong nawalan ng gana. Sobra akong nalulungkot. Di ko alam kung ano pa yung di ko nagagawa para di mo ko iwan. Gabi bago yung araw na naghiwalay tayo, umuwi ako kasi gusto ko gawin lahat, kahit mawala na pride ko, kahit magmukha na kong desperada, gusto kong pigilan ka. Never ako nagmadali umuwi dahil namimiss ko pamilya ko, pero ginawa ko kase ikaw yun e, yung taong mahal na mahal ko, gusto ulit akong iwan. July 27, pumunta ako sa inyo, umiyak ako kahit nakikita ng pamilya mo, kase di ko kaya e, di ko kayang mawala ka saken. Pero pinagtabuyan mo ko at sinabihan na di mo na ko mahal. Naglakad ako palayo sa inyo, wala na kong pakielam kahit may nakakakita pa sakin na umiiyak ako. Kahit ganun yung nangyari, umasa pa din ako na magbabago yung isip mo, but you never reached out. August 2, nakita kita sa plasa, umasa pa din ako na baka sakaling bago ka umalis, balikan mo ulit ako, pero hindi e. Lumipas yung mga araw, puro ako kay Benz nagrarant ng galit ko sayo. Pero inisip ko, what if hindi ako umalis nun? What if inendure ko pa yung sakit ng pagtataboy mo? May magbabago kaya? Hanggang nung nalasing ako tas nagmessage ako sayo. Ang tanga ko. Ang sakit na ako namiss kita pero ikaw hindi. Inadd nga kita pero di mo naman inaccept. Ramdam ko yung pagbabago. Pero umasa pa din ako, sa tweets mo, sa mga shineshare mo, nung tumawag ka. Oo alam ko ikaw yun. Gustong gusto ko marinig yung boses mo, pero di ka naman nagsalita e. Ang dami kong gustong sabihin sayo e. Alam ko kung bakit sobrang hirap kang pagkitawalaan ako e. Di ko alam kung ilang beses ko ba dapat patunayan na di na mauulit yun. Sobrang sakit kase inisip mo na nagloko ako habang nasa malayo ka. Mabuti sana kung totoo e, baka naguilty pa ko, kaya lang hindi. Sa ilang buwan na hinihintay kita, sobra akong nangungulila. Alam ng Diyos Mike kung gaano kita kamahal. Pero yun lang kaya ko e, yung mahalin ka, hindi ko magawang kumbinsihin ka na pagkatiwalaan ako e. Pero sana nagtiwala ka sa pagmamahal na sinasabi ko. Di ko magagawa sayo yun kase sobra yung takot ko na mawala ka. Nag-aabang ako sa tweets mo. Iniistalk kita gamit fb ng kapatid ko. Pero wala e. Iniisip ko pano mo kinakaya habang ako sobrang nahihirapan. Kase nawalan talaga ako ng gana sa lahat e, mag-aral kahit nga magsimba e. Feeling ko ginawa kitang mundo ko at nagkamali ako. Hanggang sa nalaman ko na may bago ka ng kinikilala. Hahahaha ang bilis. Parang mas lalo akong nadiscourage sa buhay e. Natanggal ako sa dl, ang konti ng pumasa sa CPALE, tapos ikaw nakamove-on na. But I'm still stuck, dito sa sakit ng pag-iwan mo. But I wasn't aware of your pain, because I'm too busy dealing with my own pain. Naisip ko na sobra ka ring nasaktan tyaka nahirapan. Na natatakot ka din, just as much na natatakot ako. Mas lalo kong nakikita kung bakit dapat hindi na tayo magkabalikan, na hindi talaga tayo para sa isa't isa. Parang natrauma ka at natakot ka lang magtiwala ulit. I'm sorry. Pero sana wag ganun yung maidulot sayo ng naging relasyon natin, ayokong ganun yung maalala mo sa relasyon naten. Magtiwala at magmahal ka ulit ng iba Mike. Maging masaya ka. You deserve that and I sincerely mean it. Ikaw pa din yung pinakamagandang nangyari saken, despite all pain and heartaches. I will miss you Chief Engineer. Pero alam ko na kailangan ko na tanggapin lahat. Pagdasal mo naman na maging masaya din ako ohh. Pagdasal mo na maging motivated ulit akong tuparin yung mga pangarap ko. Hindi ko alam kung mababasa mo to, pero ayaw na kitang guluhin. Ituloy mo yang pagmumove-on mo. I'm sorry for causing you too much pain. At salamat sa lahat ng pagmamahal na binigay mo. We might ended up this way, pero hindi lahat sasaktan ka, kaya magtiwala at magmahal ka ulit ng iba. I really want you to be happy. I don't know what will the future bring, pero sana maging masaya tayo parehas, if we ever cross paths again. 'Till we meet again, Mike. - FREYA
0 Comments
|
"Your life may be in hopeless end, but with God, life is an endless hope." "Happiness lies within ourselves, as well as acceptance." "Do not be afraid to love and trust again, because that's when you'll be happy again." "Love isn't just about holding on, but letting go." "Success is how high you bounce when you hit the bottom." AuthorFreya is created to inform, inspire and influence people. Archives |