Just wanna share an eye-opener. I've watched this vlog of Toni Gonzaga in one of the episodes of Toni Talks, Jelai Andres gave her testimony on how she was healed from having a broken heart. Gusto ko siya i-share because somehow I can relate. As a short background, Jelai was married to Jon, pero the thing is, that guy cheated on her many times already. I became a fan of their vlogs together back then, hanggang sa nabalitaan ko na nagcheat na naman si Jon for the nth time already. Timing din na I am also healing myself kaya nagstop na ko manuod ng vlogs and started to find a new hobby which is yung paglalivestream sa Kumu. Back to Jelai and Jon, ang alam ko lang no'n nagfile na ng annulment si Jelai, at ngayon ko lang narinig yung testimony niya sa Toni Talks kung paano siya nakamove on. Sinabi ko na nakakarelate ako kahit papano, not on the cheating part, pero sa way niya ng pagmamahal. My ex did not cheat, pero nainvolved siya sa iba't ibang babae before. Nagustuhan niya yung mga yun, pero I was blinded by the thought na ako pa rin yung mahal niya kaya siya bumabalik. Parehas din kami ni Jelai na nakakalimutan na yung mga ganong side ng partner namin dahil sa pagmamahal. Na kahit ilang beses siya magkamali, tatanggapin pa rin, kasi mahal ko e. Ang isang tumatak sakin na sinabi ng ex ko noon, na hangga't di siya nagpopost sa social media ng about sa ibang babae, ibig sabihin hindi pa siya seryoso sa babaeng yun. That's why I knew this time, he is serious. May iba na siya, and naging sila in that span of time na akala ko pwede pa. Just like Jelai, ganon din ako magmahal noon, yung ibibigay mo lahat, na gagawin mo siyang mundo mo, sa kanya nakadipende yung kasiyahan mo, na kaya mong tanggapin lahat kasi mahal mo. Pero may napanuod rin akong Tiktok video saying, "Kung nagtataka ka na ibinigay mo na lahat pero iniwan ka pa rin niya, yun na nga e, naibigay mo na lahat, ano pang makukuha niya sayo?" That really hit deep. Hindi ako nadepressed the way Jelai was, pero ramdam ko yung nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay, mag-aral, kumain; parang ang gusto ko lang umiyak hanggang sa mawala yung sakit. In a way, I lost myself for a while just like Jelai. Totoo din yung sinabi niya na kapag pinapakita na ni God na you should let go of that person and then you refused, masasaktan at masasaktan ka talaga hanggang sa wala ka nang maging choice but to let go of that person. Ganon na ganon ang nangyari sakin. On the moving on part, same din ang naging process namin. Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan, pamilya; narealized ko na ang lawak ng mundo nung naghiwalay kami. Yung dati na gusto kong maramdaman din niya yung sakit na naramdaman ko, ang gusto ko na lang ngayon ay yung maging masaya ako nang wala siya. At yun naman yung nararamdaman ko ngayon, though kapag naaalala ko siya, naiiyak pa rin ako. Narealized ko na di ko kailangan ng iba para maging masaya. Natutunan kong mas mahalin pa yung sarili ko. I'm still trying to be better. I'm still working on myself. Siguro pag nangyari yun, makakaya ko nang magmahal ulit ng iba. It was a lesson learned. Hindi ko pinagsisisihan na nakilala ko siya at minahal ko siya, kasi naging masaya ako do'n at marami akong natutunan. Ang pinaka natutunan ko sa nangyari samin is yung kailangan ko munang mahalin yung sarili ko, magtira para sa sarili ko, bago ako magmahal ng iba. It was an eye-opener indeed. I hope you can watch this full video to know more about how Jelai healed from her broken heart: Let's learn to love ourselves first, then everything follows. - FREYA
0 Comments
Yes. Freya is back. I was reminded of this blog as I was crying so hard. Again. At nakita ko na my last update was last 2019 and it's 2022 now. Why am I crying? Kasi naalala ko na naman siya. Siya pa rin yung dahilan kung bakit ako umiiyak. Lagpas isang taon na nung naghiwalay kami, at akala ko okay na ko. Akala ko lang pala. I posted a lot of updates in this blog about him back then. Nagdelete lang ako kasi on and off yung relationship namin. After that update last 2019, nagkabalikan pa rin kami. But this time, lagpas isang taon na ang lumipas, at may iba na siya. As for me, nag-explore ako ng ibang bagay. Ang dami kong nakilala at mga naging kaibigan. At masaya ako, yun yung akala ko e. Pero pag naaalala ko siya, di ko pa rin mapigilan maluha. Pag naaalala kong may bago na nga pala siya, we did not even talk nor see each other after that breakup, no closure at all. Pero siya, obvious naman na okay na. Hindi ko alam bakit masakit pa rin, kasi akala ko talaga okay na ko e. I still wonder anong mafifeel ko pag nagkita kami ulit, kung iiyak ba ko o magagalit. Sa totoo lang, tanggap ko na e, na naghiwalay kami at kung bakit di nagwork out yung samin. Pero nasasaktan ako kasi parang ang bilis niya nagmahal ng iba, ang bilis niyang nakamove on. Habang ako eto, minsan masaya pero pag maaalala ko siya, iiyak na naman. And I don't even know why. Parang back to square one. I emailed him since nakablocked pa siya sa socmed accounts ko. At alam kong nabasa niya yun. Sinabi naman ni Benz na gusto niyang magkausap kami before siya sumakay ng barko, at pumayag naman ako kahit di ko alam kung mangyayari ba talaga yun. Ano naman yung sasabihin ko sa kanya? Na okay na ko pero masakit pa rin? Nakakaano lang na siya yung unang nagkagusto pero ako yung mas matagal magmove on. Is it my ego? I don't know what will happen or what I want right now. Hindi ko rin alam bakit umiiyak pa rin ako. Hindi ko alam paanong magmove on nang tuluyan. Gustong gusto ko maging masaya, kagaya niya, para naman fair. Nakakamiss yung may nagmamahal at nag-aalaga. I don't know. I just posted this kasi di ko alam kanino magsasabi ng mga nararamdaman ko without judgement. I hope I can do updates in this blog more often from now on. I guess that's it. I'm back. - FREYA
|
"Your life may be in hopeless end, but with God, life is an endless hope." "Happiness lies within ourselves, as well as acceptance." "Do not be afraid to love and trust again, because that's when you'll be happy again." "Love isn't just about holding on, but letting go." "Success is how high you bounce when you hit the bottom." AuthorFreya is created to inform, inspire and influence people. Archives |